Tuesday, December 11, 2018

ANG BASTONERO


KAPATIRAN NG ABENIR KALIS

ANG BASTONERO

Ang bastonero at ang kanyang baston ay iisa.

Ang baston ay sumisimbolo ng ating pagkakaisa. Ito rin ang paraan ng ating pagkilala at pagbibigay galang sa ating mga ninuno na nag pamana ng karunungan sa larangan ng pagtatanggol. Kinikilala natin maging ang kanilang kagitingan upang ipaglaban ang kasirinlan at kalayaan ng ating lahi. Ang baston ay siya ring simbolo ng ating pagmamahal sa ating inang bayan at sa kulturang ating pinagyayaman.

Ang baston ay gamit para sa daang kapayapaan. Ito'y nagsisilbing tungkod upang umalalay sa ating paglalakabay na siya rin namang nagsisilbing pang taboy sa mga kaaway.

Bagamat maari na ang  baston  ay nagtataglay ng iba't-ibang anyo ang prinsipyo ayon sa paggamit ay iisa.

Iba-ibang mukha, iisa ang katawan. Kung kaya't anoman ang hawak na sandata ay parehas ang pamamaraan. Sapagkat ang bastonero at ang baston ay iisa.

Ang baston ay ginagamit laban sa mga taong mapagmataas. Dahil kapag tumama na may ibayong lakas ay maghahatid sa sinoman ng pagpapakumbaba.

Simple lang ang konsepto sa paggamit ng baston bilang sandata. May pabagsak. Merong pahiga, pataas, pabundol, pakaskas, pwedeng pasibat, dik-dik, ipit at sikwat.

Sa pagdepensa naman ay merong bangga, may umaayon sa pwersa, may pinapaawas, pasampal at merong simpleng ilag o lampas.

Ang distansya ay dalawa lamang. Distansyang hampasan at distansiyang  punyuan.

Gamitin sa wasto at ipasa ang kaalaman sa karapatdapat lamang.

Ka Bong Abenir
Punong Lingkod

Orihinal na konsepto ng pundador kasama ng mga kapwa bastonero ng kapatiran ng Abenir Kalis.

KAPATIRAN

KAPWA TAO  Filipino Martial Arts is a fighting art that was handed to us by our great ancestors who developed their skills in the u...